|
Written by Ardy Lingatong
|
|
Isang gabi nang maalala ko ang kaibigan kong si Juan. Hindi ko namalayan na higit dalawang dekada na rin pala ng sya’y maging aking kaibigan. Kaybilis rin pala talaga ng panahon, parang kailan lang nang una ko siyang nasilayan. Waring pangkaraniwan ang kanyang mga katangian na hindi ko pa noon masyadong pinapahalagahan. Para sakin ang makilala siya ay isa lamang sa mga bagay na karaniwang natatagpuan ng isang taong nakikipagsapalaran sa buhay. Gaya ng mga sumunod kong kaibigan, isa rin lamang sya sa mga nagparamdam sakin na kailangan ko ang isang tulad nya upang magtagumpay. Hindi ko man maintindihan ito noon, pinanghawakan ko na lamang yun habang patuloy na nakikipagsapalaran sa aking tadhana.
|