| Nauuhaw Ako |
|
|
|
| Written by Ibalitaan | ||||
|
Sinasabi sa bibliya mula sa panulat ni John 4:13-14 "But those who drink the water that i will give them will never be thirsty again".Tungkol ito sa kahalagahan ng tubig na binibigay sa atin ni Amang Bathala, isang sangkap para ang tao sa lupa ay mabuhay. Minsan sinabi ni Hesus ang katagang "Nauuhaw ako!", at sa puntong ito masasalim ang kahalagahan ng tubig sa buhay ng tao, isang simple salita pero malalim ang kahulugan, kasama na dito ang respeto sa bawat isa bilang isang tao. Kung titingnan mo sa mga larawan at video clip na nasa baba, malinis na lumalabas ang tubig sa ating mga gripo, pero sa kabila nito may mga kasamang burak at putik kung lalagyan mo ng panala. Dahil dito nakataya ang kalusugan ng ilang libong taga-Ibaan na umaasang malinis ang nakukuha nating tubig na dumadaloy sa ating mga gripo. Kalimitan, ugali natin ay isasahod lamang ang baso sa ating mga gripo, sabay inom at dederetso na ito sa ating mga katawan na wala tayong kaalam-alam na ang iniinom natin ay may kasamang burak at putik. Panoorin ang Video Clip Sa kaanyuan at katayuan ng pamumuhay natin sa Ibaan, bihira lamang ang nakakabili ng mineral at distilled water, sa simpleng pamumuhay nating Ibaaeno, uumaasa tayo na ang binabayaran nating buwanang serbisyo ng tubig ay malinis para inumin. Kasama na din siguro sa ganitong aspeto ang pagtitipid, ika nga "lagyan mo yan ng yelo ay ayos". Pero paano yung mga duming hindi makuha ng ating panala, paano ang mga sangkap na sumama sa tubig na ang dala sa atin ay panginib, mga iba't-ibang sakit na makakuha mula sa ininom nating tubig. Sa kabila ng ganitong sitwasyon, wala tayong narinig na panukala mula sa pamahalaan, lalong higit sa ahensyang may sakop nito at may sakop ng isyu tungkol kalusugan ng tao. Tanging ang dumadating at nakikita lamang natin ay ang resibong dinadala ng isang empleyado ng ating munisipyo -ang resibo ng babayarin sa tubig. Nakataya dito ang kalusugan ng ating pamayanan, ng ating mga mahal sa buhay at mismong sarili nating kalusugan, kaya iiwanan ko sa inyo ang isang katanungan. Ano ang dapat nating gawin??? Larawan ng Burak at Putik na sumasama sa Tubig Ibaan
|