|
Written by Aureo P. Castro
|
|
Kung ika'y magme-merienda Sa aming bayan ka pumunta Dito ay maraming "choices" At ikaw ay di na pipila.
Kung ika'y naiiinitan Sa tindi ng sikat ng araw Halu-halo ni Ka Benny Ang dapat mong subukan.
Kung sorbetes ang napupusuan Huwag maiinip, mag-intay lamang Pag nadinig na ang kililing sa lansangan Si Ka Ute o Ka Pedro parating na iyan.
Pag tinapay ang pinag-usapan Iba't-ibang klase ang dito'y matatagpuan Meron kaming de-agua, espesyal, at simada Sa Ka Milagring na panaderya doon ka pupunt...
|
|
Written by Conspiracy (Anonymous author)
|
|
Ang pamilya ang tinatawag na isa sa pinakamaliit na institusyon ng lipunan, at ang bawat pamilya'y may amang na siyang nag sisilbing haligi, sandigan, tagapagtanggol ng mga anak . Kapag ang mga anak ay may mga suliranin, may maga katanungan, ang dapat unang makaalam nito ay ama, at ang tungkulin ng ama ay bigyan agad ang anak ng wastong kasagutan sa mga bagay na lumilito sa isip ng isang inosenteng anak. Katulad yan ng pagkaraniwang nating mamamataan sa bawat tahanang may na may isang batang nagtatanong;
"Tatay baken ho pagkamahal ng kendi doon?" "Tatay ako hoy sinuntok noon!"
Ang dapat ay ipaliwag ng ama kung ano at bakit ganun kamahal ang kendi, at usisain kung bakit nga ga sinuntok ni garne ang anak niya.
Tulad din ito na isang kumunidad, at sa isang kumunidad ay may dalawang taong nagsisilbing ama na may mahalagang papel na ginagampanan, ang ama ng bayan at ang ama ng simbahan. Tungkulin ng ama ng bayan na sagutin ang bawat katanungan ng kanyang anak (ikaw iyan na nagbabasa nito) na nasasakupan, tungkulin din ng ama ng simbahanan ang payabungin ang ispiritual na paniniwala ng bawat anak (ikaw ulit iyan) na kanyang pinapastol. At para din yang isang ugnayan ng pangkaraniwang mag ama na kailangang sagutin ang anak kung may mag katanungan tulad ng
|
|
Written by Manolito C. Sulit
|
|
Lagi kong maaalala ang aking ama bilang mahigpit at seryosong tao. Parati siya roon sa tabi ng malaking durungawan sa aming kusina, nakatanaw sa likod-bahay na laging mahamog at masukal. Nalililiman iyon ng mga puno ng kaymito, tsiko, abokado, at santol. May mga puno ng saging na tinabihan ng mga gabing malalaki ang hugis-pusong dahon at sari-saring halamang gulay at gamot. Sa dulo niyon ay ang labing na may ilog sa paanan, umaabot sa amin ang lagaslas, ang mga tinig ng naglalaba at ang kanilang mga palupalo, mga naliligo, at ang mga huni ng maya, uwak, lawin, kilyawan, at ibong-bahaw. Kapag wala sa lakuan, tahimik siya roong nakaupo. Makikilala mo siya sa maitim at kulot niyang buhok na walang katulad sa aming walong magkakapatid. Halos ay wala siyang kamukha sa amin, sa palagay ko. Pogi ang aking ama, lalo na sa mga lumang kuha ng kanyang kabataan. Sa tingin ko, mas mahaba kaysa sa kanya ang aking ina, lalo pa nga’t tumaba na siya. Kapag nakaupo siya roon, malamang may pinakukuluan siya sa abuhan. Siguro, isa na namang kakatwang putahe na natutuhan niya sa Bikol, Cebu, o sa kanyang mga kumpare, na karaniwa’y di ko talaga magustuhan, bukod sa ako’y sadyang pihikan. Minsan nama’y dahon ng bayabas o sambong lamang iyon, panggamot niya sa kanyang rayuma.
|
|
Written by Yolanda - Aumentado
|
|

A statue of The Risen Christ. Photo taken after Easter Vigil at ST. JAMES THE GREATER PARISH CHURCH, Ibaan, Batangas [a province in Southern LUZON], Philippines April 3-4, 2010.

Easter Sunday at dawn. After 4 a.m. Mass, there was a 'lifting of the black veil" on Mother Mary's head. A little 5 yr. old girl dressed as an angel, surrounded by other young angels girl is hoisted from a high platform till she reaches the veil and lifted up the black symbol of pain and suffering. This town's Easter tradition is believed to have started around 1900s].[I STAND corrected]

Some of the crowds waiting...

after 'dagit' -- [lifting of the veil] followed "Pagbati"--saluda danza to our Lord. Spiritual meaning is that of FAITH and GREAT JOY, most of all, GRATITUDE to our Lord. The lady [kapitana] who dances and waves the white flag [bandera] in a dance accompanied by 2 escuadron, with a band playing the music. Tradition of this dance appears to have been lifted in Old Testament II Samuel 6:14-21 Angel lifted black veil of Blessed Mother's pain and suffering replacing it with great joy and hope.

After Mother Mary's black veil was lifted, she's shown afterwards in white attire, accented with light blue.
 
Jesus & Mary




L-R souvenir foto: Scuadrones--Earl Vincent; Justin Roxas; mother of Kapitana [the lady who performed "Pagbati"--Maria Majella Conti]; Yoly, Lina villanueva
A VERY HAPPY EASTER TO ALL!
|
|
|